Tuesday, January 11, 2011

ANO KA NA??? (Isang super-late new year's message)

Limang araw na mula nung pumasok ang bagong taong 2011. Pero sa isang maikling talata, hayaan nyo akong balikan ang nakaraang taon.

Sabi nila, ang 2010 daw ay “Year of Natural Calamities” dahil sa maraming sakuna na dulot ng kalikasan. Noong nakaraang taon din ay nahalal ang bagong pinuno ng bansa pagkatapos ng mahigit siyam na taong pamamahala ng nakaraang administrasyon. Sabi nga ng bagong pangulo, “Pwede na muling mangarap”. Muli tayong binigyang parangal sa larangan ng boxing matapos muling manalo ng People’s Champ na ngayon ay isa ng congressman. Patuloy ang diskusyon sa pagitan ng Simbahan at ng pamahalaan tungkol sa RH Bill. Marami pang nangyari, maganda, di masyadong maganda, nakakalungkot, nakakatuwa at marami pang iba. Ito ang tanong ko, naging maganda man o hindi para sa iyo ang 2010, matapos ang lahat ng nangyari sa Pilipinas at sa sarili mong buhay, ano ka na? Ano nang nangyari sa iyo? Saan ka dadalhin ng agos ng panahon ngayong bagong taon?