Tuesday, January 11, 2011

ANO KA NA??? (Isang super-late new year's message)

Limang araw na mula nung pumasok ang bagong taong 2011. Pero sa isang maikling talata, hayaan nyo akong balikan ang nakaraang taon.

Sabi nila, ang 2010 daw ay “Year of Natural Calamities” dahil sa maraming sakuna na dulot ng kalikasan. Noong nakaraang taon din ay nahalal ang bagong pinuno ng bansa pagkatapos ng mahigit siyam na taong pamamahala ng nakaraang administrasyon. Sabi nga ng bagong pangulo, “Pwede na muling mangarap”. Muli tayong binigyang parangal sa larangan ng boxing matapos muling manalo ng People’s Champ na ngayon ay isa ng congressman. Patuloy ang diskusyon sa pagitan ng Simbahan at ng pamahalaan tungkol sa RH Bill. Marami pang nangyari, maganda, di masyadong maganda, nakakalungkot, nakakatuwa at marami pang iba. Ito ang tanong ko, naging maganda man o hindi para sa iyo ang 2010, matapos ang lahat ng nangyari sa Pilipinas at sa sarili mong buhay, ano ka na? Ano nang nangyari sa iyo? Saan ka dadalhin ng agos ng panahon ngayong bagong taon?

Bago matapos ang nakaraang taon, napanood ko ang Christmas Special ng ABS-CBN. Natuwa ako sa sinabi ng President ng nasabing istasyon sa kanyang opening remarks. Sabi niya, “Mabuti na lang at tuwing magtatapos ang taon ay dumarating ang Pasko, kung ang ating taon ay punong puno ng kaligayahan at ng maraming biyaya, ito ang panahon para magpasalamat sa ating Panginoon, ito ang panahon para maalala ang ating mga kamag-anak, mga kaibigan at lalong-lalo na ang mga nangangailangan. Kung tayo naman ay nagdaan sa maraming pagsubok, ito ang panahon para dumulog sa Panginoon upang humingi ng panibagong lakas. Sigurado, gagaang ang ating loob dahil sa Panginoon ay laging may pag-asa.”

Sa pagpasok ng bagong taon, anong meron? Natuwa ka ba dahil may panibagong taon na naman upang maitama ang mga mali, magsimula ng panibago at gumuhit muli sa kasaysayan? O tinatamad ka na dahil parang wala na rin naming pag-asa na umangat pa ang antas ng buhay natin? Hindi ko alam kung alin ka diyan sa dalawang iyan pero isa lang ang sigurado, tulad ng mga nagdaang taon, ang 2011 ay magiging makasaysayan. Hindi ko alam kung paano pero sigurado ako, ang taong ito ay muling tatak sa kasaysayan.

Ayokong gumagawa ng New Year’s Resolution. Di ko alam kung bakit. Siguro, dahil ayokong limitahan ang sarili ko sa mga pangakong malabo ang hinaharap. Di ko alam kung kaya ko, di ko alam kung posible, di ko alam kung may kahahantungan. Halimbawa, sabi ko, magpapayat na ako ulit mula sa biglaan kong pagtaba, pero parang di ko pa kaya. Pero gusto ko talaga. Ewan.

Sabi nung isang DJ sa radio na narinig ko habang nakasakay ako sa FX papasok sa eskwelahan, “mabuting isa lang ang new year’s resolution basta kayang gawin, kesa naman maramin ngang nasa listahan, wala naming natupad.” Havey yun! Sakto! Ikaw meron ka bang New Year’s resolution? Kung meron, isa lang ang masasabi ko, GOOD LUCK. :D 

Mga kaibigan, isang bagong taon na naman ang meron tayo. Isang taon na naman ng mga karanasan. Anu-ano? Di pa natin alam. Handa ka ba? Malamang, oo. Malamang, hindi. Depende sa pagkakataon, depende sa panahon, depende sa lahat.


Gusto kong may magbago sa akin. Sa sa buhay ko, sa paligid ko at sa mundo. Kung paano, di ko alam.  Ikaw, ano ka na? anong gusto mong mangyari? 




__________________________________
__________________________________



Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para magbigay ng mensahe para sa iba’t ibang tao para sa 2010:


Para sa mga natulungan ako, maraming salamat!
Para sa mga natulungan ko, pagdamutan niyo na, pasensya at iyan lang ang nakayanan.
Para sa mga nagpasaya sa akin, salamat, maraming maraming salamat! Kayo ang lifeline ko!
Para sa mga napasaya ko, salamat din, napraktis ko din ang pagiging clown ko.
Para sa mga nakasakit sa akin, salamat dahil kayo ang trainor ko para maging mas matatag sa buhay.
Para sa mga nasaktan ko, patawad! Pipilitin kong di na ulitin! Promise! :D
Para sa mga kaklase ko, wew…. Konti na lang, konting konti pa! mauubos din ang mga essay! MANIWALA KAYO!
Para sa mga kaibigan ko, haiszt! The best! Walang tatalo sa inyo!

Para sa Mama ko, good job! Nakapag-Public ka na din! :D :D Love you Ma!
Para sa Papa ko, san na tayo? Move on na tayo!
Para kay Rap, aral mabuti! Dapat maging architect ka! Hmpf!
Para kay Mikkee, ayun… hhahhaa! Salamat sa kasiyahan at sa lahat! :D mag-aral kang mabuti ah.
Para kay Babes, di ka muna pwedeng mag-boyfriend ha. Naku!!!!!!

Para kay Ate Weng, salamat sa pag-aaruga! Ahahah! Pasensya na sa mga pagkakamali… next time.
Para kay Fr. Adriano, muli, salamat po sa lahat ng suporta, sa lahat ng payo at aral. the best po kayo!
Para kay Kuya Eddie, good luck sa trabaho… sa bday ko ah, kahit isang Vios lang. :D
Para kay Ian, ahahah…. Maghanap ka ng trabaho! Dali na! :D :D Good luck tol…
Para kay Edven, bawal na magpuyat ng di nale-late…
Para kay Dhes, naku… ayusin mo buhay mo! Naku…. Ahahhah! :D
Para kay Gelo, welcome sa magulo pero masayang buhay ng mga Encryptionista! Ahahhaha!

Para kay Jhen, haiszt… ISANG TAON! Malapit na…. i<3u
Para kay Sir Daniel, salamat sa lahat! Wala akong masasabi, yan lang talaga, basta thank you!
Para kay Maam Abella, salamat po sa mga turo at pangaral… salamat din po dahil sa inyo, nakapasok ako sa Shangri La. Aheheh…. :D
Para kay Sheng, salamat neng! :D sa kabila ng malaking pagkakaiba natin, naging mabuti kang kabigan.
Para kay Alvin, ui! Salamat ha… di mo ako binibigo palagi. :D wag ka magbabago… ahehehe…
Para sa ECED 1A, naku, marami pa tayong pagparaanan! Wag susuko ah… first year pa lang.
Para sa ECED 2A, ito lang ang masasabi ko, TOGETHER, WE STAND. DIVIDED, WE FALL. :D :D
Para sa ECED 3A, marami akong pagkukulang sa inyo, pero salamat dahil kahit ganun, tanggap nyo pa rin ako.
Para sa ECED 4A, goodluck sa career kapag nasa outside world na kayo. Mami-miss namin kayo.
Para sa lahat ng Educ Students, walang bibitaw! Tayo ang pag-asa! Maniwala kayo sa akin! :D
Para sa USSC, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon para makapaglingkod…
Para sa lahat ng Estudyante ng Pamantasan ng Montalban, huwag tayong magpadala sa mga pangyayari sa mga lider ng paaralan, ipagpatuloy natin ang ating pag-aaral. Tayo, hindi sila, ang aabot ng ating mga pangarap.

Para sa Canossian Youth Movement, salamat sa pagkupkop ng aking mga pangangailangang pang-espiritwal. Salamat din sa tiwala at suporta.
Para sa Ignatian Choir, miss ko na kayo.. sobra… :D Ingat ha… wag nyo iwan ang pagse-serve…
Para sa ICYC, guys, magaling kayo… sobra… pero alam nyo na yung susunod kong sasabihin…

Para kay Jov, nak.. miss na kita. Ingat lagi.
Para kay Reygan Jay, nak, dapat Rizal ka sa 4th year ah… promise yan ha?!
Para kay Sean, nak, ingat ka lagi ah… aral mabuti…
Para kay Kuya Gjie-Ahr, wala lang… good luck sa trabaho… salamat sa pakikinig sakin kahit nakakasawa na minsan.
Para kay Angel, best… ingat lagi ah… sabihin mo kay mark, alagaan ka…
Para kay Vincent, kailangan ka ng choir, wag kang pasaway…
Para kay KithNari, makinig ka sa akin. Learn the value of patience… TRUE LOVE WAITS.
Para kay Darwin, itay… salamat sa friendship ha… ingat lagi… (parang di nagkikita)

Para sa lahat… Maraming Salamat. Sa mga hindi ko nabanggit… pasensya na… inaantok na ako… wala ng pumapasok sa isip ko… ahehehe…. Pero mula sa kaibuturan ng aking puso… Maraming maraming SALAMAT sa pagiging bahagi ng aking buhay… Salamat! 


No comments:

Post a Comment