Thursday, February 10, 2011

EVERY SECOND COUNTS

EVERY SECOND COUNTS
Ni: Oggie Cayetano

Our deepest fear is not that we are inadequate.
Our deepest fear is that we are powerful beyond measure.
It is our light, not our darkness that most frightens us.
We ask ourselves, Who am I to be brilliant,
gorgeous, talented, fabulous?
Actually, who are you not to be?
You are a child of God.
Your playing small does not serve the world.
There is nothing enlightened about shrinking
so that other people won't feel insecure around you.
We are all meant to shine, as children do.
We were born to make manifest the glory of God that is within us.
It is not just in some of us; it is in everyone.
And as we let our own light shine, we unconsciously
give other people permission to do the same.
As we are liberated from our own fear,
our presence automatically liberates others.

Ang dami dami kong reklamo sa buhay. Mula sa pag-gising ng maaga, sa trapik sa San Mateo, sa nakakaantok na professor, sa mabagal na jeep na papuntang kasiglahan, sa mainit na FX, walang signal, walang load, kulang na baon, maingay na mga naglalaro sa shop, at marami pang iba.

Ang dami dami kong gustong gawin sa buhay.  Gusto kong matutong tumugtog ng gitara, makagawa ng sasakyang magdadala sa akin sa Jupiter, mahawakan ang painting ni Mona Lisa, matututong mag-drawing, maging stage actor, mag-direct ng isang pelikula, makalipad, makapagpatayo ng malaking bahay tapos mag-aampon ako ng maraming-maraming bata, malaman kung paano ginagawa ng gagamba ang sapot nito, madiscover ang gamut sa AIDS at cancer, makamayan si Bob Ong, makapunta sa paanan ng Statue of Liberty, ma-interview si JK Rowling, maging host ng ASAP, maging hurado sa Showtime, makasali sa Pinoy Big Brother at maraming marami pa.

Ang dami kong gustong gawin. Kaso, kulang ang oras. Maraming hindi pwede, maraming pagkakataong nasayang, maraming may ayaw.   

Ngayon ko lang naiintindihan ang kahalagahan ng oras sa buhay ng tao. Dati, wala akong pakialam sa mga bagay bagay. Mangyari ang mangyayari. Bahala na si batman. Happy go lucky to the maximum level. Walang pakialam. Basta gagawin ko ang gusto ko. Basta masaya ako, wala akong pakialam sa iba. Ganyan ako noon. Ngayon, pinipilit kong bawiin lahat ng pagkakamali. Kaya heto, nagmamadali ako. Dahil tumatakbo ang oras. Maiiwan na ako.

Sabi sa isang libro ng paborito kong writer na si Bob Ong, “Mas mabuti ng mabigo sa pag-gawa ng isang bagay kaysa magtagumpay sa paggawa ng wala.”  Ang daming kailangan gawin. Meron na lamang kakaunting oras. Hindi pwedeng puro wala ang gagawin ko. Hindi pwedeng magsayang.

Minsan nasabi ko sa sarili ko, “Pagod na ako. Ayoko na. Tutal wala rin naman eh.” Pero pilit kong ipinapasok sa isip ko yung sinabi sa akin noon ng kaibigan ko, “Sa isang laro, laging talo ang sumusuko, lalo na kung alam mong may pag-asa ka pang manalo. Ang buhay parang laro, lahat tayo nakatakdang manal, pero bago yun, marami ka pang pagdaraanan. Kapag sumuko ka, talo ka.”

Nakakatuwa ding isipin sa sa mga ganitong sandal ng buhay, naglilitawan yung mga tunay mong kaibigan. Yung mga taong kahit na pakiramdam mo e kaaway mo ang lahat, nananatili sa tabi, kahit ipilit mo sa kanilang ok ka lang at wala kang problema, hindi ka iiwan at sasabihin, “Alam ko kahit hindi mo sabihin. Dito lang ako sa tabi mo. Iiwan ka ng lahat pero ako andito lang.”

Bakit mo tatakbuhan ang problema? Eh ang mundo ay punong puno nito. Kahit saan ka pumunta meron. Pero kahit paulit ulit na nating naririnig, kailangan pa rin natin alalahaning lagi na hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na di nating kayang laspasan. Umasa lang tayo na siya laging kasama natin. Hindi nangako ang Diyos ng masaya at walang kahirap-hirap na buhay, pero ipinangako n’ya na sa kahit ano pang hirap ang maranasan mo, ilang beses ka mang makaramdam ng pagsuko, paulit ulit ka mang madapa at masaktan, hinding hindi ka niya iiwan. Iiyak syang kasama mo. Tatawa sya sa oras na masaya ka. Aaray sa bawat sakit na tatamuhin mo. Dahil mahal nya tayong lahat.

Tumatakbo ang oras. Habulin mo. Hindi na iyan babalik. Importante ang bawat pagpatak ng segundo. Maraming mangyayari sa bawat pagbuo nito ng minuto at ang oras na gugulin ay dapat huwag sayangin. Dahil bawat araw na lilipas ay hindi na maibabalik. Ang tatlumpung araw sa loob ng isang buwan ay may kanya kanyang kwento. At ang bawat taon ay magiging makasaysayan.

No comments:

Post a Comment