Thursday, November 25, 2010

We'll Follow you!

(Theme explanation by Oggie Cayetano on the celebration of the 8th Canossian Youth Festival last October 29-30, 2010 at the ELIM Global Auditorium, New Manila, Quezon City. About 500 young people attended the event)


Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"


                Sa bahaging ito ng pagbasa, ipinakita na ni Jesus ang kanyang espesyal na atensyon sa ating mga kabataan, sa ating mga pangarap, sa ating mga layunin at mithiin sa buhay. Kung alam mo lang kung gaano siya ka-excited na, minsan, kahit sandali, makausap ka, lumapit ka sa kanya, sabihin mo yung mga problema. Alam naman nya yun lahat eh. Alam nya na kakabreak nyo lang ng gf/bf mo. Alam nya nab ago ka pumunta dito, napagalitan ka ng nanay mo, alam nya na meron kang INC, 3 o 5 na grade at di mo alam kung anong gagawin o kung paano mo siya ipapaliwanag sa mga magulang mo. Alam nya lahat. Hinihintay ka lang niyang lumapit sa kanya at magsabi.

“Magiliw siyang tiningnan ni Jesus.”

                Sa ibang salita, siya ay tiningnan ni Jesus ng may pagmamahal. Ito ay ibang klase ng pagmamahal. Ito yung tipo ng love na hindi nawawala. Hindi kumukupas. Hindi siya isang simpleng away, di pagkakaunawaan, di mo na siya mahal. Ang pagmamahal sa atin ni Jesus ay mananatili kahit na minsan, nakakalimutan na natin siya. Kahit na minsan, mas binibigyan natin ng panahon ang ibang bagay, tulad ng facebook [ehem], dota, text at kung anu-ano pa. Ito yung pagmamahal na hindi nakakalimot, at walang hinihintay na kapalit.

Ang tanong nung kabataan na iyon kay Jesus ay ito, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

                “Ano po ang dapat kong gawin…” Ibig sabihin, itong taong ito ay may plano. Mayroon siyang nais makamtan. Meron siyang nais marating. Ikaw, bilang isang kabataan, sa estado ng buhay mo ngayon, ano bang plano mo?

                Kung tutuusin, hindi pa masyadong mahirap ngayon ang sitwasyon. Kasi, meron ka pang mga magulang na sumusporta sa’yo, ngunit darating ang panahong kailangan mong matutong magdesisyon sa buhay mo. Tinuturuan tayo ng ating mga magulang na tumayo sa sarili nating mga paa, pero upang patuloy tayong lumago, kailangan natin minsang bumitaw upang makapaglakad naman tayong mag-isa. Walang hawak-hawak. Kung bumagsak ka, ok lang, tayo ulit. Ganyan yung mga baby di ba, sa panahong nag-aaral silang maglakad. Ganun din tayo.

Saan ba patungo itong pinag-uusapan natin?

                Kapag pumunta tayo sa isang okasyon, pagpasok pa lang natin sa venue nito, may magsasabi na sa tin na: “THIS WAY PLEASE?” O kaya kapag ikaw ay nawala sa isang lugar at nagtanong ng direksyon, madalas isasagot, “THIS WAY po, tapos kumaliwa po kayo sa susunod na kanto….” sabay turo ng daan. Kung si Jesus ang tatanungin kung paano pumunta sa buhay na walang hanggan, ituturo niya rin ang daan, daang tinahak, nilakaran at pinamuhayan niya. At tanging sagot mo lang ang hihintayin. Anong sagot? “We’ll follow you!”

Pero minsan nagdadalawang isip ka pa? Kung dadaanan mo rin yung pinagdaanan ni Jesus, mahirap yun. Maraming taong naninira sa kanya. Maraming hirap na dinanas si Jesus. Nariyan ang bugbugin siya, ang pagbuhatin siya ng Krus, sa huli, inalay niya ang kanyang buhay. Handa ka ba? Nakakatakot dib a? Handa ka bang dumanas ng hirap at pagod? Naku, tingnan nga natin, e minsan, yung simpleng mag-review lang, maglaan ng oras para mag-aral, di pa natin magawa eh, yung hampasin pa kaya ng latigo sa likuran? Yung maglakad nga lang papunta sa simbahan para magsimba tuwing lingo, hirap na tayo, yung maglakad pa kaya ng may pasan ng Krus ng ilang kilometro. Mahirap ang daan itinuturo sa atin Jesus. Madadapa ka, masusugatan ka, mapapagod ka, pero anong tugon sa atin ni Jesus? Pakinggan natin itong kantang ito.






Buksan ang iyong mga mata, kahit may luha, mamahalin pa rin kita at tutulungang lumaya.

Ito ang sabi sa atin Jesus. Huwag kang matakot. Hindi naman niya sinabing hindi mahirap ang daang tatahakin natin, pero ipinangako niyang sasamahan ka niya, kahit anong mangyari. You cannot experience the glory of rising up if you did not experience the pain of falling down.

Mga kabataan, ito ang mensahe para sa atin ng 8th Canossian Youth Festival. Si Jesus ay nag-anyaya sa atin na tahakin ang landas patungo sa buhay na walang hanggan. Katulad ng kabataang lalaki sa mabuting balita, nasa kanya na ang kasigurduhan ng minimithing langit, ngunit tulad ba niya’y tatalikod din tayo? Iiwanan din ba natin si Jesus dahil lang sa mga makamundong bagay?

Sabi ni JESUS, “THIS WAY” Anong sagot mo? 

No comments:

Post a Comment